SSL: PLAYOFFS BERTH DADAGITIN NG LADY FALCONS

Standings W L
Pool A
*NU 3 0
Ateneo 2 1
Arellano 2 1
San Beda 1 3
EAC 0 3

Pool B
*UST 4 0
*UE 3 1
Lyceum 1 2
Perpetual 0 2
Mapua 0 3

Pool C
*La Salle 3 0
UP 1 1
Letran 1 2
JRU 0 2

Pool D
*FEU 3 0
Adamson 1 1
CSB 0 1
SSC-R 0 2
*clinched playoffs seat

Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial
Coliseum)
1 p.m. –- Perpetual vs Lyceum
3:30 p.m. — Ateneo vs EAC
6 p.m. — Adamson vs CSB

PUNTIRYA ng Adamson University ang huling playoffs berth sa Pool D sa pagsagupa sa College of Saint Benilde sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship ngayong Miyerkoles sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakatakda ang laro sa alas-6 ng gabi kung saan pakay ng Lady Falcons na samahan ang pool leader Far Eastern University sa susunod na round.

Sasalang ang Adamson sa laro na gigil na makabawi mula sa masakit na 25-16, 22-25, 33-31, 20-25, 13-15 pagkatalo sa Lady Tamaraws sa kabila ng 35-point explosion ni ace hitter Shaina Nitura noong nakaraang Sabado.

May 1-1 kartada, makokopo ng Lady Falcons ang isang ticket sa susunod na round-robin phase kapag nalusutan nila ang wala pang panalo ngunit well-rested Lady Blazers side.

Ang Saint Benilde ay yumuko sa unbeaten FEU (3-0), 17-25, 25-21, 16-25, 19-25, sa tournament debut ng three-time NCAA champion noong nakaraang October 6.

Samantala, makakaharap ng Ateneo de Manila University ang also-ran Emilio Aguinaldo College sa alas-3:30 ng hapon sa Pool A habang magsasalpukan ang sibak nang Pool B teams Lyceum of the Philippines University at University of Perpetual Help System Dalta sa ala-1 ng hapon.

Sisikapin ng Blue Eagles, katabla ang Arellano University sa 2-1, na palakasin ang kanilang playoffs hopes laban sa winless Lady Generals (0-3).

Tinalo ng Ateneo ang Lady Chiefs, 25-17, 25-18, 25-18, noong nakaraang Sabado habang ang EAC ay winalis ng San Beda University, 18-25, 23-25, 22-25, sa kanilang huling laro.

Samantala, ang Lady Pirates ay may 1-2 record habang ang Lady Altas ay winless sa unang dalawang laro.

Pasok na sa sususunod na round ng kumpetisyon ang FEU, Pool A leader at three-peat-seeking National University (3-0), Pool B’s University of Santo Tomas (4-0) at University of the East (3-1), at Pool C’s De La Salle University (3-0).

Ang Lady Tamaraws, Golden Tigresses at second ranked teams sa Pool A at Pool C ay lalaro sa susunod na phase para sa dalawang twice-to-beat quarterfinals advantages na nakataya. Ang Lady Warriors, Lady Spikers, Lady Bulldogs at second seed sa Pool D ay mag-aagawan sa dalawang iba pang quarters incentives sa kanilang bracket.