Standings W L
Pool A
Arellano 2 0
NU 1 0
Ateneo 1 1
EAC 0 1
San Beda 0 2
Pool B
UE 3 0
UST 2 0
Lyceum 1 2
Perpetual 0 1
Mapua 0 3
Pool C
La Salle 1 0
Letran 1 1
UP 1 1
JRU 0 1
Pool D
FEU 2 0
Adamson 1 0
CSB 0 1
SSC-R 0 2
Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Coliseum)
2 p.m. –- EAC vs NU
4 p.m. — La Salle vs Letran
6 p.m. — Perpetual vs UST
HAHARAPIN ng University of Santo Tomas ang University of Perpetual Help System Dalta para sa isang playoffs seat sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship ngayong Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakatakda ang laro sa alas-6 ng gabi kung saan sisikapin ng unbeaten Golden Tigresses na mahila ang kanilang winning streak sa Pool B sa tatlo at makopo ang isang ticket sa susunod na round.
Ang panalo ng UST ay magbibigay rin sa University of the East (3-0) ng isa pang playoffs berth.
Ang top two teams lamang mula sa bawat pool ang uusad sa susunod na round kung saan ang mga koponan ay hahatiin sa dalawang grupo para sa isa pang round-robin play para madetermina ang kanilang rankings sa quarterfinals.
Ang top two ranked squads mula sa pool matapos ang round ay magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa crossover quarterfinals ng torneo.
Pinataob ng Tigresses ang Lyceum of the Philippines University sa apat na sets bago winalis ang Mapua University noong nakaraang linggo upang simulan ang kanilang redemption bid kasunod ng runner-up finish sa naunang edisyon.
Samantala, determinado ang Lady Altas na pigilan ang pagpasok ng UST sa susunod na round at panatilihing buhay ang kanilang playoffs hopes sa kabila ng masamang simula makaraang malasap ang straight-sets loss sa Lady Warriors.
Samantala, target ng three-peat-seeking National University na sumalo sa liderato sa Pool A sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College sa alas-2 ng hapon, habang makakabangga ng De La Salle University ang Letran sa alas-4 ng hapon sa Pool C.
Pinataob ng Lady Bulldogs sa likod nina Erin Pangilinan at Vange Alinsug ang Ateneo de Manila University sa apat na sets noong nakaraang linggo sa kanilang debut para sa solo second spot sa likod ng Arellano University (2-0).
Winalis ng Lady Chiefs ang Lady Generals sa kanilang unang laro noong nakaraang September 29.
Galing sa 12-araw na pahinga matapos ang four-set win kontra University of the Philippines, ang Lady Spikers pinapaboran na maitarak ang kanilang ikalawang sunod na panalo para mapahigpir ang kapit sa liderato laban sa Lady Knights (1-1).
Nalasap ng Letran ang four-set loss sa Fighting Maroons (1-1) noong nakaraang Sabado.