Mga laro sa Miyerkoles:
(Rizal Memorial Coliseum)
11 a.m. –- NU vs UE
2 p.m. — UP vs FEU
5 p.m. — CSB vs La Salle
BUMAWI ang University of Santo Tomas mula sa pagkatalo sa nakaraang laro makaraang pulbusin ang University of the Philippines sa straight sets, 25-14, 25-19, 25-21, upang matikas na tapusin ang second round ng 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship nitong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum.
Napigilan ng Golden Tigresses ang pagtatangka ng Fighting Maroons na i-extend ang laro sa third set upang tapusin ang Pool F na may 2-1 record.
Nakabawi ang UST mula sa frustrating loss sa Eastern University noong Sabado upang palakasin ang kanilang quarterfinals twice-to-beat advantage bid.
Hihintayin ngayon ng Tigresses ang final standings ng FEU at UP sa pagtatapos ng round robin first phase ng playoffs upang madetermina kung sino ang dalawang koponan na uusad sa crossover quarters na armado ng insentibo. Isang tiebreaker ang magpapasya sa rankings sakaling magkaroon ng three-way tie sa 2-1.
Naitala ni Angge Poyos ang 10 sa kanyang 11 points mula sa attacks habang nagdagdag si Kyla Cordora ng 10 points mula sa 9 kills at 1 kill block para sa UST.
“Sobrang saya na nanalo kasi mabigat sa feeling ‘yung pagkatalo namin kahapon. Ang naging mindset namin is just play our game and dapat masaya sa loob nng court,” wika ni Cordora sa pagbabalik ng Tigresses sa win column makaraang maputol ang kanilang five-game winning run.
Nanguna si middle blocker Kassandra Doering para sa UP na may 11 points habang tumapos si Ytang na may 8.
Makakaharap ng UP ang FEU sa Miyerkoles sa pagtatapos ng second round.
Ang SSL games ay ineere nang live at on-demand via Puso Pilipinas, SMART Livestream, Solar Sports Channel 70 sa Sky Cable at Channel 59 sa Cable Link.