INANUNSIYO ng Social Security System (SSS) na ipagpapatuloy ang Loan Restructuring Program (LRP) na may penalty condonation ng panibagong anim na buwan o hanggang Abril 1, 2019.
“Malugod naming inaanunsiyo na ang pangalawang Loan Restructuring Program with penalty condona-tion ay ipagpapatuloy pa ng karagdagang anim na buwan upang matulungan pa ang mga miyembro na may utang sa SSS,” sabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc.
“Isa ang LRP sa aming mga paraan upang magbigay-tulong sa aming mga miyembro na hindi nakabayad sa tamang oras sa ka-nilang mga utang sa SSS. Naiintindihan namin na may mga hindi inaasahang pagkakataon tulad ng mga kalamidad kagaya ng lindol at bagyo kaya nahirapan silang bayaran ang ka-nilang mga utang sa takdang panahon,” dagdag niya.
Inilunsad ng SSS ang LRP with condonation program noong Abril 2 at nakakolekta ng mahigit P2 bilyon kita mula sa 300,000 miyembrong nakinabang dito sa unang limang buwan ng implementasyon.
Mula Abril 2 hanggang Agosto 31, na-condone ng SSS ang halos P4.3 bilyong multa na nagresulta sa restructured loan na umabot sa P4.9 bilyon.
“Hinihikayat namin ang aming mga miyembro na mag-file agad ng kanilang aplikasyon para sa LRP at huwag nang maghintay pa ng deadline sa susunod na taon. Gusto ko lang linawin na babayaran pa rin ang interes ng mga inutang sa SSS at tanging multa lamang ang tatanggalin kapag nag-avail sila ng LRP,” sabi ni Dooc.
Para magkuwalipika sa LRP, kinakailangan na nakatira o nagtatrabaho ang miyembro sa kahit saang mga lugar ng kalamidad na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) o ng national government. Kinakailangan din na ang short-term loan ay overdue na ng hindi bababa sa anim na buwan.
Kinakailangan na ang mga aplikante ng LRP ay magdala ng nasagutan na form ng LRP at IDs. Para sa mga nais mag-apply ngunit wala sa bansa, kailangan lang na may Letter of Authority (LOA) ang kanyang kinatawan.
Maaaring bayaran ng mga miyembro ang kanilang overdue loan sa loob ng 30 araw na walang dagdag na interes, o mag-apply para sa installment payment term na maaaring bayaran sa loob ng limang taon na may tatlong porsiyentong interes kada taon.
Comments are closed.