DINISPATSA ng Sta. Lucia Realty pair nina Jackie Estoquia at DM Demontano at F2 Logistics duo Mich Morente at Fritz Gallenero ang kani-kanilang katunggali upang maisaayos ang semifinals duel sa Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup kahapon sa SM Sands by the Bay.
Winalis nina Estoquia at Demontano sina Mumay Vivas at Jannine Navarro ng Cignal B, 21-10, 21-13, habang pinataob nina Morente at Gallenero sina Mylene Paat at Raprap Aguilar ng Cignal A, 18-21, 21-15, 16-14.
Sa men’s play, naisaayos ng Sands by the Bay at Foton ang finals showdown makaraang ibasura ang kani-kanilang kalaban.
Ginapi nina Bryan Bagunas at James Natividad ng Sands by the Bay sina Philip Bagalay at Gregory Utupo ng Smart, 21-15, 21-14, habang nadominahan nina Kris Roy Guzman at Lemuel Arbasto ng Foton sina Mika Abria at Jessie Lopez ng Cignal, 21-15, 21-14.
Gaganapin ang men’s final sa Linggo.
Matagumpay na naisakatuparan nina Estoquia at Demontano, na magdamag na nanood ng internet videos upang buuin ang kanilang istratrehiya la-ban kina Vivas at Navarro, ang kanilang plano.
“We studied our opponents, we watched their games so we can plan our strategy against them,” wika ni Estoquia. “It was our plan to dominate and pull away from the get go. We cannot let them get close because we know what they’re capable of.”
“I believe that our hardwork and teamwork were the keys to our win,” dagdag pa niya. “And those were the same things that we need to bring out when we play in the semis.”
Samantala, nahirapan sina Morente at Gallenero bago naitakas ang panalo.
Tabla sa 11-11 sa third set, kumarera ang Cignal sa match point, 14-13, bago umiskor ang F2 Logistics ng tatlong sunod na puntos.
“We had a hard time controlling the ball, especially our service. The wind was too strong and we couldn’t handle it in the first set,” ani Gallenero. “Good thing we adjusted in the second set and Mich and I just kept going.”
Comments are closed.