(Staff nagpositibo sa COVID-19) RIZAL MEMORIAL, PHILSPORTS NAKA-LOCKDOWON

ramirez

INIUTOS ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasailalim sa complete lockdown sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at sa PhilSports Complex sa Pasig City.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanilang staff members kasunod ng RT-PCR testing.

“We humbly advise all concerned that the Rizal Memorial Sports Complex in Manila City and the PHILSPORTS Complex in Pasig City shall be on complete lockdown from 12 August 2020, until further notice,”wika ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa isang memorandum na ipinost sa Facebook page ng ahensiya.

Ang Rizal Memorial Sports Complex ay na­ging tuluyan kamakailan ng libo-libong locally stranded individuals, habang ang PhilSports Complex ay nagsisilbing COVID-19 facility.

Comments are closed.