STAFF NG MAYOR NG PATAY SA PAMAMARIL

MAGUINDANAO DEL NORTE- AGAD na binawian ng buhay ang isang empleyado ng City Government ng Cotabato makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa lalawigang ito.

Batay sa report ng mga awtoridad, ang biktima ay nakilalang si Faizal “Popeye” Malaguiok, staff ni Cotabato City Mayor Datu Bruce Matabalao.

Ayon sa alkalde, pinagbabaril ang biktima ng mga hindi kilalang suspek sa bahagi ng SPDA Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.

Dahilan sa mga tinamong tama ng bala sa katawan ay agad na binawian ng buhay ang biktima.

Humihingi naman ng hustisya ang pamilya at mga kasamahan sa trabaho sa sinapit ni Popeye.

Dagdag pa ng alkalde, hindi siya makapaniwala sa nangyari kay Popeye na kilalang isang mabait at pala-kaibigan na tao. EVELYN GARCIA