STAFF NG SENADOR ‘DI KINAYA ANG COVID

Senador Ramon Bong Revilla Jr

ISANG staff ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang sumakabilang buhay makaraang tamaan ng corona virus disease (COVID-19).

Ipinaalam ito ni Revilla sa kapwa niya senador sa pamamagitan ng text message na kung saan namatay kahapon ang kanyang 73-anyos na staff dahil sa COVID-19.

“Dear colleagues, it is with deepest sadness that I am informing you that my staff expired just today (Sunday) due to COVID. Please pray with me and the entire OS Revilla as we go through this painful time. Thank you,” ani Revilla.

Gayunpaman, wala pang ibang detalyeng ibinigay ang senador kung paano na nakuha ng nasabing staff ang naturang sakit.

Sa COVID-19 updates  nitong Linggo ay iniulat na 12 doktor na ang nasawi. VICKY CERVALES

Comments are closed.