INAMIN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar na isa sa kanyang staff ang biktima ng pag-aalburuto ng Taal Volcano at napilitang lumikas ang pamilya sa bayan ng Agoncillo sa Batangas.
Sa Monday presser, sinabi ni Eleazar na inilikas ng kanyang staff ang pamilya na nakatira sa bayan ng Agoncillo upang makaiwas sa anomang trahedya na dulot ng volcanic quakes.
Sa kabila nito,tuloy pa rin ang pagtugon ng nasabing pulis sa kanyang sinumpaang tungkulin.
Samantala, tiniyak ni Eleazar na gagamitin nila ang kanilang programang Barangayanihan o pagbibigay ng tulong sa mga evacuee.
Kahapon ay nakausap ni Eleazar si Batangas Vice Gov. Mark Leviste at napag-usapan ang planong pamamahagi ng relief goods sa mga evacuee sa nasabing lalawigan.
Gaya ng napagkasunduan, idadaan sa LGUs ang relief goods upang matiyak na walang malalabag na minimum public health protocols.
Tiniyak din ni Eleazar na activated na rin ang police desk assistance na itinayo sa paligid ng mga evacuation centers para matiyak na nabibigyan ng seguridad ang mga evacuee gayundin ang iniwang kabuhayan at mga hayop ng mga ito sa nilikas na kabahayan. EUNICE CELARIO
405142 6900light bulbs are excellent for lighting the home but stay away from incandescent lamps because they create so much heat;; 219507
319903 105478Hello there, just became alert to your blog via Google, and identified that its truly informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate if you continue this in future. A great deal of individuals will probably be benefited from your writing. Cheers! xrumer 434906