SAN JUAN-NAG-SELF quarantine na si San Juan Mayor Francis Zamora makaraang mag-positibo sa COVID-19 ang isa sa kanyang mga staff.
Nabatid na wala naman umanong nararamdamang kahit anumang sintomas ang alkalde, at nasa mabuti ang kanyang lagay.
Siniguro naman ni Zamora na sa kabila ng sitwasyon ay hindi mawawalan ng tulong ang buong lungsod sa ilalim ng kanyang panunungku-lan.
Lumalabas base sa huling datos ng San Juan LGU, 73 na ang nakumpirmang positibong kaso sa lungsod.
Napag-alaman na ang 10 sa mga ito ay nasawi samantalang ang 17 ay na-discharge.
BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.