DAET – Muling nagpamalas ng lakas ang European cyclists laban sa Asian riders makaraang angkinin ni Mario Vogt ng Germany ang isa sa dalawang pinakamahirap na stage, ang second stage na itinuturing na ‘killer lap’, sa 10th Le Tour de Filipinas na dumaan sa Atimonan, Quezon at nagtapos sa capital city ng Camarines Norte sa Bicol kahapon.
Isang veteran rider ng maraming international races at malakas kapwa sa mountain climbing at sprint, inakyat ni Vogt ang matarik na 7-kilometer accent “Tatlong M” at tinalo sina Kohei Uchima ng Team Ukyo at Huat Choon Goh ng Malaysia-base Tereng-ganu sa rematehan sa huling 300 meters.
Nagtala sina Vogt at Goh ng parehong oras na 4 hours, 49 minutes at 6 seconds subalit unang dumating ang 27-anyos na German sa finish line.
Kumakarera para sa Sapura at nag-iisang German rider sa koponan, si Vogt ay umakyat sa 14th overall na may kabuuang oras na 8 hours, 4 minutes at 21 seconds, 21 segundo sa likod ni overall leader at first stage winner Jeroen Meijers na nakalikom ng 7 hours at 59 minutes.
“In the end, it was a sprint. I tried to attack and the others followed. Fortunately, I beat them in sprint,” sabi ni Vogt matapos dumating sa finish line.
Tiniis ni Vogt ang napakainit na panahon sa hangaring manalo kung saan binigo niya ang mga Pinoy, sa pangunguna nina Marcelo Felipe at 2014 tour champion Mark John Lexer Galedo.
Nakasalalay kina Felipe at Galedo ang kampanya ng mga Pinoy matapos na masibak sina defending champion El Joshua Carino at Asian Games, Asian Cycling at SEA Games campaigner Ronlad Oranza.
Dumating si Felipe na ika-24, tatlong minuto at limang segundo sa likod ni Vogt at 11th over-all, 2 minuto at 36 segundo sa likod ni Meijers. CLYDE MARIANO
Comments are closed.