Standings W L
Benilde 7 1
LPU 7 2
JRU 5 2
San Beda 6 3
Letran 6 3
Perpetual 4 5
Arellano 4 5
SSC-R 3 5
Mapua 1 8
EAC 0 9
Laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
3 p.m. – All-Star Game
Games tomorrow
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – LPU vs Mapua
3 p.m. – EAC vs Benilde
NAGPAKAWALA ang San Sebastian ng 11 triples sa 78-61 panalo kontra Emilio Aguinaldo College upang putulin ang four-game slide sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Nagpasabog ang Stags ng anim na three-pointers sa payoff period, kabilang ang apat sa huling dalawang minuto upang siguraduhin ang panalo
May 3-5 record, ang San Sebastian ay naghahabol pa rin sa Final Four race, subalit ang panalo ay tiyak na magpapataas sa kanilang morale.
Nalasap naman ng Generals ang ika-9 na sunod na kabiguan.
Inamin ni coach Egay Macaraya na nawala ang Stags, isa sa preseason favorites, sa sistema sa slump.
“That’s the hardest part. I talked to the guys na everybody has ego. Ganoon talaga iyan,” sabi ni Macaraya. “I hope na maintindihan nila that we need one ego. ‘Yun ang importante doon.”
“Tapos ‘yung pangalawa, ‘yung frustration at disappointment, nagkaka-problema kami internal. Because everybody wants to win, parang nakikita namin, hindi na nagiging team ‘yung team. I tried to comfort them and motivate them na hindi kami mananalo if they rely on their selves. ‘Yung isa isa lang, individual lang, kaya hindi sabay-sabay ang laro nila. This is a team game,” dagdag pa niya.
“Sa EAC, nakita naman natin, ‘yung first group, second group, gumagawa. At least this is a good example, para makita nila kung ano ang sinasabi ko.”
Nanguna si Alex Desoyo para sa San Sebastian na may 11 points at 3 assists, nag-ambag si Jessie Sumoda ng 10 points at 6 rebounds habang umiskor din si Rhinwill Yambing ng 10 points at kumalawit ng 4 boards.
Kumamada si JP Maguliano ng 19 points, 9 rebounds at 2 assists habang nagdagdag si Adam Doria ng 12 points at 3 boards para sa Generals.
Iskor:
SSC-R (78) — Desoyo 11, Sumoda 10, Yambing 10, Altamirano 8, Concha 8, Are 6, Villapando 5, Felebrico 5, Una 5, Cosari 4, Calahat 3, Shanoda 3, Escobido 0.
EAC (61) — Maguliano 19, Ad. Doria 12, Bajon 5, Balowa 5, Dominguez 4, Cosejo 3, Luciano 3, Liwag 2, Quinal 2, Tolentino 2, An. Doria 2, Angeles 2, Umpad 0.
QS: 18-10, 30-31, 52-43, 78-61.