STAGS SOSOSYO SA NO. 2

stags

Standings

W            L

San Beda             11           0

LPU                        8              3

SSC-R    7              3

Letran   7              4

CSB                        6              4

Mapua  4              6

JRU                        4              7

Perpetual            3              7

Arellano               2              9

EAC                        1              10

 

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – SSC-R vs Perpetual (Men)

2 p.m. – CSB vs Mapua (Men)

4 p.m. – JRU vs Arellano (Men)

TARGET ng streaking San Sebastian College na sumalo sa ikalawang puwesto sa pakikipagtipan sa University of Perpetual Help System Dalta sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Rumolyo sa ika-5 sunod na panalo, umaasa ang Stags na mapananatili ang pambihirang run sa kanilang 12 noon clash sa inaalat na Altas.

Kailangang manalo upang manatili sa Final Four range, sasagupain ng College of Saint Benilde ang mapanganib na Mapua sa alas-2 ng hapon habang puntiryan ng Jose Rizal University ang ikalawang sunod na panalo laban sa Arellano University sa alas-4 ng hapon.

Sa likod ni hot-shooting Allyn Bulanadi, nahigitan na ng San Sebastian ang kanilang six-win output noong nakaraang taon na may third-best 7-3 record, kalahating laro lamang sa likod ng second-running Lyceum of the Philippines University (8-3).

“It was all team effort. Iyon ang nangyayari ngayon sa team,” wika ni  coach Egay Macaraya makaraang pataubin ng Stags ang Blazers, 83-67, noong nakaraang Huwebes.

Nasa ika-8 puwesto naman ang Altas na may 3-7 marka at nanga­nganib na hindi umusad sa susunod na round makaraang makabalik sa Final Four noong nakaraang taon sa likod ni MVP Prince Eze.

Isa pang talo ay malalagay na sa peligro ang kampanya ng Perpetual Help kung saan kailangan nilang maipanalo ang lahat ng nalalabi nilang laro upang umabante sa semis.

Nalasap ng St. Benilde ang ika-4 na pagkatalo sa limang laro matapos ang 5-0 simula at naghahabol ngayon sa Letran (7-4)  ng kalahating laro sa karera para sa huling semifinals berth.

Dapat mag-ingat ang Blazers sa Cardinals, na ginulantang ang Knights sa double overtime, 105-101, noong nakaraang Biyernes.

Nagwagi ang upstart Mapua ng tatlo sa kanilang huling apat na laro makaraang simulan ang season sa 0-5, at two-and-a-half games sa labas ng No. 4 spot.

Comments are closed.