STAGS TAMEME SA PIRATES

San Beda

Laro bukas:

(Mapua Gym)

4 p.m. – Mapua vs CSB (Men)

PINULBOS ng Lyceum of the Philippines University ang San Sebastian College, 80-69, sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Para kay coach Topex Robinson, na minsang hinawakan ang Stags bago lumipat sa Pirates, apat na taon na ang nakalilipas, ginawa lamang nila ang lahat ng kanilang makakaya para ipalasap sa kanilang katunggali ang unang kabiguan sa season.

“We all know coming into the game that we are not out there to beat San Sebastian. We are out there to play our best,” wika ni Robinson sa pagharap sa kanyang alma mater.

Nanguna sina da­ting Stags Renzo Navarro at Jayson David para sa Pirates na nangailangan ng 28-point fourth quarter upang iangat ang kanilang record sa 3-1.

Sa iba pang laro ay naungusan ng Letran ang Emilio Aguinaldo College, 91-89, upang mahila ang kanilang winning streak sa apat,  habang nakopo ng Jose Rizal University ang back-to-back wins sa ­unang pagkakataon sa season sa pamamagitan ng 71-66 pagbasura sa  University of Perpetual Help System Dalta.

Sa pagkatalo ng San Sebastian ay ang defending champion San Beda (3-0) at College of Saint Benilde (2-0) na lamang ang undefeated teams sa torneo.

Iskor:

Unang laro:

JRU (71) – Amores 15, Dela Rosa 12, Dionisio 12, Steinl 12, Miranda 11, Delos Santos 7, Aguilar 2, Arenal 0, Jungco 0, Vasquez 0

Perpetual (66) – Aurin 14, Charcos 13, Peralta 13, Egan 7, Adamos 6, Razon 5, Cuevas 3, Sevilla 2, Barasi 0, Giussani 0, Lanoy 0.

QS: 17-11, 41-28, 56-52, 71-66

Ikalawang laro:

LPU (80) – Marcelino JV. 12, Marcelino JC. 11, Navarro 11, Valdez 11, David 10, Caduyac 7, Nzeusseu 6, Tansingco 5, Santos 3, Ibañez 2, Pretta 2, Yong 0.

SSC-R (69) – Bulanadi 13, Tero 12, Altamirano 10, Calahat 8, Villapando 7, Sumoda 6, Dela Cruz 5, Calma 4, Capobres 2, Desoyo 2, Ilagan 0, Cosari 0.

QS: 15-13, 30-36, 52-59, 80-69

Ikatlong laro:

Letran (91) – Balanza 22, Ular 19, Batiller 17, Muyang 16, Yu 8, Mina 5, Caralipio 2, Ambohot 1, Javillonar 1, Olivario 0, Reyson 0, Sangalang 0, Balagasay 0.

EAC (89) – Taywan 25, Gonzales 13, Maguliano 10, Luciano 8, Dayrit 7, Tampoc 6, Mendoza 5, Martin 5, Gurtiza 2, De Guzman 2, Boffa 2, Corilla 2, Cadua 2.

QS: 15-20, 38-48, 68-65, 91-89

Comments are closed.