Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
12 noon – Perpetual vs CSB (Men)
2 p.m. – San Beda vs Mapua (Men)
4 p.m. – EAC vs LPU (Men)
INAPULA ng San Sebastian ang mainit na paghahabol ng Jose Rizal University upang maitakas ang 62-59 panalo at lumakas ang kampanya para sa huling Final Four slot sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Hindi ito ang endgame na nais ng Stags subalit ikinatuwa pa rin ni coach Egay Macaraya ang panalo na pumutol sa kanilang three-game slide.
“The missing factor was the defense. Kasi nga, medyo malamya ang bata dahil may mga may sakit at kulang kami sa rotation. And with all the injuries, nawawalan kami ng points,” wika ni Macaraya.
Abante ang San Sebastian sa 61-52, sa basket ni Rommel Calahat sa 1:42 mark.
Umiskor ang Bombers ng pitong sunod na puntos upang tapyasin ang deficit sa 59-61, ngunit kinapos nang ma-split ni Calahat ang dalawang charities sa huling dalawang segundo na nagselyo sa panalo ng Stags.
May 8-6 kartada, ang San Sebastian ay may one-game lead sa Mapua (7-7) sa karera para sa No. 4 spot.
Sa unang laro ay pinutol ng Letran ang two-game slide at umangat sa 10-6 sa pamamagitan ng 97-84 pagbasura sa Arellano University.
Iskor:
Unang laro:
Letran (97) – Batiller 18, Muyang 15, Ambohot 15, Mina 12, Balanza 11, Yu 11, Balagasay 8, Caralipio 4, Pambid 2, Ular 1, Reyson 0.
Arellano (84) – Arana 19, Salado 18, Gayosa 15, Bayla 11, Oliva 11, Sablan 3, Espiritu 3, Concepcion 2, Talampas 2, Alcoriza 0, Santos 0.
QS: 28-21, 46-49, 80-66, 97-84
Ikalawang laro:
SSC-R (62) – Capobres 21, Calma 12, Ilagan 11, Calahat 8, Bulanadi 6, Desoyo 4, Altamirano 0, Cosari 0, Loristo 0, Tero 0, Villapando 0.
JRU (59) – Vasquez 13, Arenal 12, Dionisio 10, Delos Santos 8, Miranda 8, Jungco 4, Amores 2, Dela Rosa 2, Macatangay 0.
QS: 11-10, 28-21, 45-43, 62-59
Comments are closed.