STAGS TUMATAG SA NO. 4

Calahat

Mga laro bukas:

(Filoil Flying V Centre)

2 p.m. – CSB vs San Beda (Men)

4 p.m. – SSC-R vs Mapua (Men)

SUMANDAL ang San Sebastian sa kaba­yanihan ni unheralded Rommel Calahat upang maitakas ang 73-71 panalo laban sa Lyceum of the Philippines University at mapalakas ang kanilang kampanya na makapasok sa Final 4 sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Mula sa well-executed inbound pass ni Allyn Bulanadi ay naisalpak ni Calahat ang go-ahead basket na bumasag sa huling deadlock ng laro, 71-71, may 5.2 segundo ang nalalabi.

Kasunod nito ay napangalagaan ni Calahat ang kanyang kabayanihan sa pamamagitan ng defensive stop sa papatirang si Reymar Caduyac na nagselyo sa panalo ng Stags.

Nauna rito ay pinutol ng College of Saint Benilde ang six-game losing skid sa pamamagitan ng 62-56 panalo kontra  Emilio Aguinaldo College upang manatili sa kontensiyon para sa isang puwesto sa semis.

“At least we got back to our winning ways. We’ve been preaching that whatever happens, we win or we learn,” wika ni Blazers coach TY Tang.

Makukumpleto ng San Sebastian ang Final Four cast, kasama ang Letran, kapag namayani sila sa Mapua bukas na sasamahan ng pagkatalo ng St. Benilde sa defending champion San Beda sa unang laro.

Iskor:

Unang laro:

CSB (62) – Haruna 16, Gutang 12, Dixon 7, Carlos 6,  Nayve 6, Flores 5, Naboa 3, Belgica 2, Lim 2, Mosqueda 2, Sangco 1, Young 0.

EAC (56) – Maguliano 12, Taywan 11, Luciano 11, Gurtiza 10, Mendoza 8, De Guzman 2, Boffa 2, Carlos 0, Estacio 0, Cadua 0, Gonzales 0, Dayrit 0, Corilla 0, Martin 0.

QS: 13-14, 31-32, 52-44, 62-56

Ikalawang laro:

SSC-R (73) – Bulanadi 28, Ilagan 11, Capobres 9, Calma 7, Villapando 7, Calahat 7, Tero 2, Loristo 2, Sumoda 0, Desoyo 0, Altamirano 0, Isidro 0.

LPU (71) – JC. Marcelino 21, Nzeusseu 16, Santos 9, Caduyac 7, JV. Marcelino 5, Tansingco 5, Ibañez 3, Navarro 3, Valdez 2, David 0, Yong 0, Pretta 0, Guinto 0.

QS: 11-26, 33-43, 50-53, 73-71

Ikatlong laro:

Perpetual (77) – Peralta 25, Charcos 13, Adamos 11, Giussani 9, Razon 6, Aurin 6, Labarda 4, Sese 3, Tamayo 0, Martel 0, Sevilla 0, Cuevas 0.

JRU (66) – Miranda 16, Delos Santos 12, Dionisio 10, Vasquez 7, Dela Rosa 6, Jungco 5, Amores 4, Arenal 4, Aguilar 2, Abaoag 0, Macatangay 0.

QS: 21-16, 40-33, 61-51, 77-66

Comments are closed.