I KNEW I had the drive and determination to make something of myself. — Henry Sy, Sr.
ITO ang ginamit na mensahe na nagmula sa mga payo noon ni Tatang (Henry Sy, Sr.) sa ginanap na virtual gathering (via Zoom) na may temang “Stand with Grit” kung saan opisyal na kinilala ang SM Scholar-graduates para sa taong 2020 at 2021 — 38 sa kanila ang may mataas na pagkilala (9 Magna Cum Laude, 25 Cum Laude, at 4 na may academic distinction).
Lumahok sa naturang programa noong Mayo 26, 2021 ang mga miyembro ng pamilya Sy na sina Teresita Sy-Coson, Harley T. Sy, Mara Sy Coson at Debbie Sy, executive director ng SM Foundation. Kabilang din sa dumalo sina Jose T. Sio, chairman at president ng SMFI; Eleanor ‘Liugling’ P. Lansang, assistant vice president ng SMFI Education at ang mga board member na sina DR. Lydia Echauz, Dr. Paulino Tan at Engr. Ramon Gil Macapagal na pinasalamatan ng scholar-graduates sa pamamagitan ng “thank you cards” na ipinakita sa virtual event.
Tunay na naka-i -inspire ang mensahe ng scholar-graduates na inaalala ang kanilang mga simpleng pamumuhay tulad na lang ni Rosemarie Lacsama na appliance technician ang ama at nasa house naman ang ina dahil tumutulong ito sa kanyang magulang sa pamamagitan ng pagtitinda ng yema at mga pananim nila sa kanilang bakuran.
Lubos na nagpapasalamat ang mga scholar-graduate sa SMFI dahil bukod sa financial assistance na kanilang natatanggap, marami pang mga prebilehiyo ang ibinibigay sa kanila tulad na lang ng part-time job offer tuwing bakasyon, gift certificates, libreng passes sa sinehan at mga aktibidad na lilinang sa kanilang sarili at pakikipag-kapwa.
Binigyan naman ng magandang pakahulugan ni Mario A. Deriquito, BDO president, keynote speaker, ang salitang GRIT na para sa kanya ay dapat mayroon tayong GOAL na magiging gabay para matupad ang pangarap; maging RESOURCEFUL; hindi rin dapat mawala ang
INTEGRITY; at higit sa lahat ang TRUST – magtiwala sa sariling kakayahan at paniniwala sa Maykapal.
Nakatutuwa rin ang mensahe ni Engr. Remson Marc Macawile, SM scholar alumnus ng 2014 dahil inaala nito ang kuwento ni Tatang tungkol sa pagsusumikap para mabago ang buhay. Mula sa pagiging SM scholar na nakapagtapos ng BS Electronic Engineer degree sa National University (NU) na nakakuha ng trabaho sa SM engineering and design development hanggang sa maging assistant vice president ng Citibank production management na ngayon ay nasa magandang buhay na kabilang ang kanyang pamilya.
Sa pahayag naman ni Debbie Sy, bukod sa pagkakaroon ng talino at galing sa piniling karera, dapat ding maging matiyaga – at maging matibay ang loob.
“Keep in mind that being smart and talented is okay, but to do well and thrive in your chosen field, you need the ability to persevere. You need to have grit,” bahagi ng closing remark ni Debbie Sy. CRIS GALIT
639511 990513magnificent submit, extremely informative. I ponder why the opposite experts of this sector dont realize this. You should proceed your writing. Im sure, youve a great readers base already! 119416