STANDARDS OF KALOKOHAN

Maraming magulang ang nagrereklamong matigas daw ang ulo ng kanilang anak. Pero aling ulo ba ang malambot, unless may sakit — at yun ang malaking problema.

At some point, lahat naman tayo at may ginawang kalokohan, lalo na noong bata pa tayo. I for one, nagnanakaw kami ng mangga sa puno ng kapitbahay. Pwede namang humingi at siguradong bibigyan kami, pero yung thrill ng kukunin mo ng walang may alam, ewan kung bakit nakakatuwaan na­min. Ba­wal kasi, at laging masarap ang bawal.

Sa school, alam mo ring bawal mag-cheat o magpakopya, pero nagkasundo pa rin kayong magkakatabi sa klaseng mag-share ng sagot sa mga examinations — hindi dahil hindi kayo nag-review dahil may group study pa nga kayo, kundi dahil masarap ang feeling at kwentuhan pagkatapos ng exams na nakalusot kayo sa eagle eyes ng masungit na titser. Actually, walang katapusang tawanan at kwentuhan dahil dito, lalo pa at naisipan nyo ring maglakwatsa dahil tapos na nga ang exams. Yung allowed maximum number of absences, uubusin nyo yon sa panonood ng sine at pagpa-party, habang akala ng parents mo sa pro­binsya ay matiyaga kang nagsusunog ng kilay.

Masasabing kalokohan talaga ang ginagawa mo — to a certain standard, na kapag nalaman ng parents mo, lagot ka!

Ngunit mas mabait ka, kumpara sa estudyanteng nauubos ang allowance sa billiards o computer, to the extent na madalas siyang hindi pumapasok sa iskwelahan dahil naglalaro nga ng ML. Yan kasing pag-aaral, nakakasira ng paglalaro! Kalokah! Kaya naman hindi na alam ng kawawang parents ang gagawin mapatino lang ang pasaway na anak.

Pero dapat, thankful pa rin sila dahil kung tutuusin, maswerte pa rin sila dahil ang ibang parents, may anak na lulong sa bisyo at droga. Hindi lamang sarili nila ang kanilang sinisira kundi nagiging pabigat pa sila sa lipunan.

Paris ng nasabi ko na, lahat tayo, for once in our lives, ay may ginawang kalokohan. Hindi ibig sabihin nitong masama tayong tao. Hindi lang tayo boring na taong lagi na lang sumusunod sa batas. Kung wala ka ka­sing ginawang kalokohan noong bata ka, ano ang ikukwento mo pagtanda mo? Na good boy o good girl ka? Na favorite ka ni titser dahil sipsip ka? Na prim and proper ka at laging nasa simbahan? Ay, wow! Walang excitement. Mas masarap ikwentong nagmartsa ka sa harap ng Malacañang at sumigaw ng “Makibaka! Huwag matakot!” O napaulanan kayo ng tear gas noong nagmamarakulyo si Trillanes. O kaya naman, nahuli ka ng jaywalking at sa takot mo ay pangalan ng pulis na kaharap mo ang nasabi mo dahil yon ang una mong nabasa.

Masayang gumawa ng kalokohan. Bahagi iyon ng kabataan. Ngunit dapat ay may sarili ka ring standard ng kalokohan mo. Meaning, hanggang saan ba ang kaya mo? Dapat, may kunsensya ka rin. Isipin mo na lang ang hirap ng mga magulang mong nagpapaaral sa’yo, na ang ta­nging iniisip ay kung paano ka mabibigyan ng magandang kinabukasan.

Masarap gumawa ng bawal, ngunit sana, to a certain extent lang, na hindi makaaapekto sa buhay ng iba. Playing truant is okay once in a while, pero kung palagi, aba, hindi na okay ‘yan! Okay rin namang maglaro sa computer lalo pa ngayong lahat na lang halos ay nakabase sa technology, pero sana,  may oras ka ring gumawa ng assignment. Totoong “All work and no play makes John a dull boy,” pero mas totoong “All play and no work makes John a worthless man.”

Maglagay ka ng mo­derate standard of kalokohan para mabalanse ang buhay. Kung walang kalokohan, maba-burn out ka. Kung puro kalokohan ka naman, magi­ging patapon ka — at si­guro naman ay ayay mong mangyari ito.

Nenet L. Villafania