STANDHARDINGER BUMABANDERA SA BPC DERBY

STANDHARDINGER

NANGUNGUNA si Fil-German rookie Christian Standhardinger sa stats race para sa  Best Player of the Conference sa PBA Governors’  Cup.

Si Standhardinger ay  angat sa scoring at rebounding at tanging player na nagtala ng double-double averages na 43.1 statistical points per outing.

Ang 6-foot-8 center/forward ay nakako­lekta ng 23.3 points at 13.6 kada laro at nagdagdag ng norms na 1.6 assists, 0.9 steal at 0.6 block sa outstanding stint sa elims ng season-ending confe­rence.

Nasa ikalawang puwesto si Barangay Gi­nebra center/forward Japeth Aguilar na may 34.8 SPs per outing, at averages na 19.9 points, 6/9 rebounds, 1.8 assists, 1.0 block, and 0.5 steal kada laro.

Nakabuntot kay  Aguilar sina Alaska Milk’s Chris Banchero (34.2), NorthPort’s Stanley Pringle (34.0) at Phoenix Petroleum’s Calvin Abueva (31.9) para sa top 5.

Ang susunod na lima ay sina Sean Anthony ng NorthPort (31.3), Paul Lee ng Magnolia (30.9), Terrence Romeo ng TNT Katropa (30.4), Scottie Thompson ng Ginebra (30.1) at Jerramy King ng Columbian Dyip (29.1).

Bumabandera si Banchero sa assists (8.7), habang nangunguna si  Anthony sa steals (2.25).

Mahigpit naman ang bakbakan sa Best Import derby.

Ang mga nasa top 3 ay sina Mike Harris ng Alaska (60.4), Justin Brownlee ng Ginebra (59.1) at Eugene Phelps (58.0) ng Phoenix.

Nakabuntot si Aaron Fuller (57.4) sa tatlo subalit sibak na siya sa karera sa pagkakatanggal ng NLEX sa torneo makaraang matalo sa kanilang quarterfinal matchup ng Ginebra kamakalawa.