ISANG bagong sport, bagong pag-asa sa mga atletang Filipino. Kumpiyansa si Maynard Marinas, Philippine promoter ng Wu Lin Feng Global Fighting Championship – China-based professional kickboxing federation – na kayang makipagsabayan ng Pinoy fighters sa pinakabagong contact sport na ilulunsad sa bansa sa Oktubre 23 at maging world champion sa hinaharap.
“We Filipinos are true fighters, wala tayong sinusukuan. Kahit anong sports ‘yan. Kahit sino ang makaharap, laban tayo para sa pamilya at sa bayan,” pahayag ni Marinas.
“Ako rin bago sa sport na ito, pero pinagkatiwalaan ako ng international federation na isaayos ito sa atin kaya gagawin ko lahat para matutunan ang mga dapat gawin para sa maayos na organisasyon,” pahayag ni Maynard sa kanyang pagbisita kahapon sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
Kasama niyang dumalo sa lingguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at ng Community Basketball Association (CBA) ang kanyang Chinese counterpart na si Soong at mga local fighter na sina Mark Alcoba at Dindo Comansa na kapwa sasabak kontra sa Chinese fighters.
“Nagpapasalamat po kami at nabigyan kami ng pagkakataon na maipakita ang aming husay at galing. Matagal na po kaming nagsasanay at lumalaban sa MMA, Muay, at kickboxing. Mas maganda itong Wu Lin kickboxing, walang kamay at tuhod na gagamitin, talagang sipa lang ang labanan,” sambit ni Comansa
“Gagawin namin ang aming makakaya para manalo at maitaas ang level ng kumpetisyon sa kickboxing,” sabi naman ni Alcoba.
Ayon kay Soong, kabilang ang Filipinas sa napili nilang gawing institusyon ang kickboxing dahil sa angking galing at tapang ng mga Filipino sa combat sports. Sa kasalukuyan, ang kickboxing ang isa sa pinakasikat na sports sa China at kasalukuyang may 35 bansang kasapi.
“Wu Ling Feng is not just in China, it’s global with 35 active member nations. The Philippine is our focus right because you’re fighters are really world-class in combat sports,” sambit ni Soong.
Ani Maynard, ang inisyal na fight promotion ng Wu Lin ay sanctioned ng Games and Amusemennt Board (GAB) at gaganapin sa The Cove ng pamosong Okada sa Parañaque City.
Matapos na maglabas ng sama ng loob itong si Fil-German Christian Standhardinger dahil na-trade ito sa NorthPort kapalit ni Mo Tautuaa sa San Miguel Beer ay nagpakita na rin ito sa kampo ng Batang Pier sa Green Meadows gym. Katunayan, sa weekly practice ng Gilas Pilipinas ay wala sa mood si Christian nang malaman nito na wala na siya sa Beermen. Hindi siya nakipag-usap sa press na naroon sa ensayo ng national team, sa pangunguna ni coach Tim Cone. Siguro sa pagkakataong ito ay tanggap na ni Standhardinger na kailangan na siyang mag-move on sa nangyari sa kanyang career. Unang makakaharap ni Christian ang dating team, ang SMB, sa October 23. Good luck .
Sana naman ay ‘di siya katulad ni Chris Ellis na matapos na magpakita sa practice ng Blackwater ay hindi na muling nakita ang anino sa Elite. Umuwi si Ellis sa Amerika. Mukhang hindi na ito babalik ng Pinas at mananatili na lang sa Tate. Pero naglalaro naman ito sa ibang bansa sa Asia tulad ng Thailand. Tsika pa naming ay posibleng bumalik ito sa Pinas at maglalaro kung saang team ng PBA siya tatanggapin.
Comments are closed.