SA PAGPILI po ng inahin na gagamitin sa pagpapalahi kung ayos na sa standard natin ang physical appearance, phenotype ang pinaka-importante para kay Doc Marvin Rocafort at pinakahuli niyang tinitingnan ‘yung paglalakad kung ito ba ay balansiyado kaya dapat po sila ay palagi nating palalakarin.
“Ang inahin na nakakatayo na gamit ay isa paa (steady) lang para sa akin ay nag-aanak ng magaling ang panimbang o balanse,” ani Doc Marvin.
Anya, sa pagpili ng gagamiting breeding materials ay kaperahas din po na tumataya at pumupusta sa sabong na walang kasiguruhan kung ano ang magiging offspring o anak.
“Kung kabisado at tiwala ang breeder sa kanyang linyada, dapat ikaw mismo ang humaharap sa buyer. Puwede po tumaya ang breeder sa magiging quality ng magiging anak pero hindi po sagot ng breeder kung ang anak ay mananalo o matatalo!” ani Doc Marvin.
Ayon pa sa kanya, ang buyer naman ay dapat may respeto sa breeder kasi ikaw na buyer ang lumapit sa breeder na siguro ‘di ka naman niya pinilit na bilihin ang kanyang linyada at ‘yung nakuha mo ay sigurado na kursunada at kagustuhan mo.
Sa pagpili ng pullet at inahin, piliin daw natin ‘yung mailap, ‘yung mahirap hulihin, ‘yung takbo nang takbo at lipad nang lipad dahil ‘yun ang kalimitan ang anak ay lamang sa panalo at punom-puno ng speed and power.
“Pag-aralang mabuti ang pagpili ng pullet at inahin. Dami namang program na free na tumutulong magturo kung paano ang tamang pagmamanok,” sabi pa niya.
“Para mabilis ang pagpili ng pullet/inahin ay isipin mo na ikaw ang broodcock na kakasta! Opinion at experience ko po ito, puwedeng paniwalaan at puwede ring hindi,” dagdag pa niya.
Comments are closed.