HALOS lamang ang mga kilalang personalidad na nagsumite ng certificate of candidacy (COC).
Maituturing na ang COC filing ngayong 2024 ay star-studded dahil halos lahat sila ay nababasa sa diaryo, napapanood sa telebisyon, napakikinggan sa radio at higit sa lahat lagi nang nasa social media na madaling i-search.
Ngayong COC filing, may nadagdag sa uri ng mga nais maging pulitiko at ito ay mga social media influencer na talagang pinag-usapan, hindi lamang netizen kundi ng publiko.
Mistulang piyesta sa COMELEC kapag dumarating ang mga nagpa-file ng kandidatura lalo na’t kilala ang mga ito.
Mula sa beteranong pulitiko, artista, atleta at social media influencer.
May nakakalusot din na “nuisance” candidate dahil sa kakaibang gawi ng mga ito at kaisipan na nagbibigay naman ng “entertainment” sa lahat.
Bagaman naitatala ang mala-showbiz na pagsusumite ng COC, hindi naman ito maaaring pigilan dahil lahat naman ay binibigyan ng pagkakataon na maghain ng kanilang kandidatura lalo na’t ang hangarin ay makapaglingkod sa mamamayang Pinoy.