PARA sa mas madaling makuhang impormasyon sa agham at teknolohiya, inilagay ng Department of Science and Technology (DOST) ang Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated KioskS (STARBOOKS) sa Cesar C. Tan Memorial National High School (CCTMNHS) sa lalawigan ng Quezon.
Sa pamamagitan ng mga donasyong kagamitan ng Team Energy Corporation na 3 computer hardware, 75 inches na telebisyon, WiFi modem at iba pang computer accessories, mahigit 700 estudyante at guro ng CCTMNHS ang mayroon na ngayong access sa STARBOOKS.
Ang STARBOOKS ay isang digital library na binuo ng DOST Science and Technology Information Institute (STII) na mayroong libu-libong digitalized science at technology resources kabilang ang mga libro, journal, thesis, teknikal na ulat at maging ang K-12 Curriculum na maaaring ma-access online at offline.
Isang STARBOOKS orientation at training ang dinaluhan ng mga guro ng CTMNHS at pinangasiwaan ng DOST Quezon staff na si Unice Faith N. Cataquiz, PTA I at Aldwin T. Royena, SRS II.
Kasunod nito ang isang pulong para sa pagpapanatili ng Mini Science Centrum na inilunsad noong Abril 5.
Ipinakita ni Myra Soriano, Mini Science Centrum Focal Person at Greta Entoma, School Principal ang kanilang estratehikong plano upang mabisita ng publiko ang science centrum.
Gayunpaman, naghatid ang ahensya ng 500 pcs ng SIGLA Crunchies, isang komplementaryong pagkain na binuo ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) upang labanan ang malnutrisyon at ipapamahagi para sa mga mag-aaral ng CCTMNHS sa kanilang nalalapit na pagbubukas ng klase.
Matatagpuan ang CCTMNHS sa Alabat Island na nabibilang sa isolated area at disadvantaged na lugar sa Quezon Province upang makinabang sa mga programa ng DOST.
RUBEN FUENTES