ALBAY – BUNSOD ng tumataas na kaso ng rabies, isinailalim sa state of calamity ang Legazpi City.
Ayon sa City Veterinary Office, nagkaroon ng isang kumpirmadong kaso ng canine rabies sa lugar.
Nakaaalarma anila ito dahil posible itong kumalat sa lugar.
Sa kabuuang bilang ng mga aso sa lugar na 22,000, nasa 8,000 aso lamang ang nabigyan ng anti-rabies vaccine.
Dahil dito, gagamitin ng pamahalaang lokal ang calamity fund para bumili ng mga bakuna sa mga aso.
Payo ng awtoridad ang mga residenteng may alagang aso, kung hindi pa napababakunahan, maiging itali muna o ilagay sa cage para maiwasang makagat ng tao. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.