BATAAN- NANGANGANIB ng magdeklara ng state of calamity ang Bataan local government dahil sa oil spill na naitala sa karagatang sakop ng kanilang lalawigan.
Ito ay dahil sa libu-libo na ang apektado dahil sa pagkalat ng langis mula sa MT Terranova.
Layunin nitong magamit ang pondo para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong mangingisda at residente sa nasabing lugar.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), hindi pa nila masimulan ang paghigop ng langis dahil hindi pa tapos ang pagselyo sa mga valve ng naturang barko.
Sinasabing malakas ang agos ng tubig sa ilalim kaya nagreresulta ito sa ilang antala sa kanilang aktibidad.
Gayunpaman, may iba’t ibang hakbang pa rin umano silang ginagawa, kagaya ng paglalagay ng standby oil spill boom sa area ng pinaglubugan ng oil tanker.
Kaugnay nito, tutulong na rin ang US Coast Guard sa pagsalba sa MT Terranova.
Dagdag pa ng PCG, maaaring hindi pa ito maisasagawa ang kanilang operasyon sa loob ng linggong ito, dahil sa kargang langis na kailangan munang matanggal mula sa tangke nito.
EVELYN GARCIA