STATE OF CALAMITY IDINEKLARA SA CAVITE CITY

CAVITE- ALINSUNOD sa endorsement at rekomendasyon ni Mayor Denver Reyes Chua at ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC), idineklara ang State of Calamity sa Cavite City dahil sa pagkakasunog ng dalawang barangay nitong Lunes na tumupok sa mahigit 800 kabahayan.

Sa ika-29 na Regular na Sesyon ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Raleigh Grepo Rusit kasama ang mga Konsehal ng lungsod ay nagpasa ng resolusyon no. 2024-094 na nagdedeklara ng state of calamity sa lungsod ng Cavite dahil sa mga apektadong pamilya ng insidente ng sunog sa Brgy 5 at Brgy 7.

Aabot sa mahigit isang libong pamilya ang apektado sa nasabing sunog na karamihan dito ay sa ibabaw ng dagat nakatirik ang mga kabahayan na gawa lamang sa mga lights material.

Pansamantalang nanunuluyan ngayon ang mga apektadong pamilya sa Dalahican at Sta. Cruz Elementary School. SID SAMANIEGO