(State of calamity planong ideklara sa Sarangani) MEASLES OUTBREAK

MEASLE

PLANONG magde­k­lara ng state of calamity ng barangay council ng Malapatan, Sarangani dahil sa lumalaganap na sakit na tigdas sa may anim na Sitio sa Barangay Upper Suyan sa General Santos City.

Nabatid na umabot na sa 18 ang tinamaan ng sakit at namatay na karamihan ay bata na mula sa mga residente ng Sitio Mahayag, Upper Kyogam, Lino, Acasia, Siman, Upper Kihan, Tamayao, at Landang.

Ayon kay Maribel Capilitan, Health Emergency Management Coordinator ng Municipal Health Office-Malapatan, pahirapan na maabot ang lugar dahil kailangan pang maglakad ng siyam na oras.

Gayunpaman, nagpumilit na makarating ang medical team ng Malapatan-local government unit, provincial goverment, Red Cross, Philippine National Police, at iba pang concerned agencies sa mga apektadong sitio sa Barangay Upper Suyan.

Kasabay nito, hinihintay na rin ang kumpirmasyon mula sa Department of Health-Manila kung magpapatuloy ang mass vaccination at pagkuha ng blood samples para matukoy ang sakit na dumapo sa mga residente.   AIMEE ANOC