BUNSOD ng tumitinding mataas na temperatura o mainit na panahon, isinailalim na sa state of calamity ang limang bayan sa Cotabato.
Sinabi ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)-Warning at Action officer Engi-neer Arnulfo Villaruz, sa pagsubaybay ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PA-GASA), ay napabilang ang Rehiyon 12 sa low amount of rainfall at halos lahat ng mga bayan ay nakararanas ng sobrang init ng panahon.
Kabilang dito ang mga bayan ng Pikit, Aleosan, M’lang, Alamada, at Tulunan, North Cotabato.
Matinding naapektuhan ang ekta-ektaryang pananim sa tagtuyot at bumaba rin ang lebel ng tubig sa mga malalaking ilog.
Namigay na rin ng tulong ang Provincial Government sa pamamagitan ng Cotabato-PDRRMC sa mga bayan na sinalanta ng tag-init. EUNICE C.