STATE OF CALAMITY SA CAR IDINEKLARA NI DUTERTE

DUTERTE

NAGDEKLARA ng state of calamity si Pangulong Rodrigo Duterte sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR) bunsod ng malawakang pinsalang dulot ng bagyong Ompong sa mga naturang lugar.

Sa Proclamation No. 593 na nilagdaan ni Pa­ngulong Duterte kahapon ay inilagay niya sa state of calamity ang Ilocos region, Cagayan Valley region, Central Luzon gayundin ang CAR na lubhang nasa­lanta ng bagyong Ompong.

Layunin ng proklamasyon na  mapabilis ang rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts  ng gobyerno at maging ang pribadong sektor at international humanitarian assistance.

Ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ay naatasan na magpatupad ng magkatuwang na magsagawa ng rehabilitation efforts na may kaukulang operational plans at directives.

Milyon-milyong  halaga rin ng pananim ang nawasak bukod sa mga kabahayan at iba pang instruktura sanhi ng pananalasa ni ‘Ompong’.

“The State of Calamity shall remain in force and effect until lifted by the President,”  nakasaad pa sa  proklamasyon.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.