STATE OF CALAMITY SA GATTARAN, CAGAYAN

STATE OF CALAMITY

ISINAILALIM sa state of calamity ang bayan ng Gattaran, Cagayan  bunsod ng matinding pinsala ang sinapit ng nasabing lugar.

Wala ring supply ng koryente dahil halos lahat ng poste ay nagsibuwal habang maraming kabahayan ang nawasak.

Nasa 1,000 namang indibidwal ang napilitang lumikas makaraang masira ang kanilang mga tahanan.

Sa 54 barangay, 30 pa lamang ang nag-uulat ng mga nawasak habang patuloy pa ang assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.

Kapag isinailalim ang state of calamity, naka-freeze ang presyo ng bilihin doon habang apektado rin ang mga negosyo sa lugar.

P9-M PINSALA NI OMPONG SA BULACAN

Aabot sa P9,100.000  ang inisyal na halaga ng danyos mula sa agrikultura ng bago sa Bulacan.

Base sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council nasa 904 na hektarya ng palayan ang nawasak na nagkakahalaga ng P5,500,000,00.

Habang sa mga palaisdaan ay umabot sa 46 na hektarya ang nasira na nagkakahalaga ng P1,700,000.00.

Sa taniman ng gulay, nasa 19,74 na hektarya ang lubhang napinsala na umabot din sa halagang P1,700,000.00.

Sa kasalukuyan, nasa 11 bayan ang naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng kalamidad  kung saan 42 barangay na binubuo ng 2,261 pamilya ang nananatili sa 50 evacuation centers sa bayan ng Calumpit, Bocaue, Baliwag, Paombong, Norzagaray, Ba­lagtas, Plaridel, Sta. Maria, Obando, Bulakan at siyudad ng Malolos.

Habang hindi naman maaaring madaanan ng maliliit na sasakyan ang Brgy. Panginay, Balagtas, Bustos via Baliwag detour, at ang Hagonoy via Calumpit Provincial Road. THONY ARCENAL

Comments are closed.