STATE OF CALAMITY SA NORTHERN SAMAR DAHIL SA FLASH FLOODS

IDINEKLARA na ang State of Calamity sa Northern Samar dulot  ng matinding ulan at pagbaha dahil sa shear line na nararanasan sa nasabing probinsiya.

Ikinagulat ng mga residente ang mala-Ondoy na pag-ulan na agad nagresulta ng mataas na baha.

Sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomilcal Services Administration (PAGASA) halos 457.8  milimeter na ulan ang naitatala sa bayan ng Catarman, Northern Samar tuwing buwan ng Nobyembre ngunit nitong Martes, umabot sa 618 MM na ulan ang bumuhos sa bayan sa loob lang ng 24 oras.

Ang binuhos na ulan nitong Martes, Nobyembre 21, ay lagpas sa pang isang buwang ulan sa probinsiya.

Sinabi ng weather bureau na shearline ang dahilan ng walang tigil na buhos ng ulan na naging sanhi ng matinding pagbaha.

Ang shearline ay makitid na linya na pagtatagpo ng mainit at malamig na hanggn mula sa dagat pasipiko.

EC