STATE OF EMERGENCY, NO WAY

Spokesman-Harry-Roque

PINAWI ng Malacañang ang pangambang mag­dedeklara ng state of national emergency si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paglala ng kriminalidad.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sentimiyento lamang ito ng pangulo dahil tila hindi pa sapat ang pagsisikap ng pamahalaan na masugpo ang kriminalidad.

Nag-ugat ang ganitong sentimiyento ng pa­ngulo nang makita ang  ulat hinggil sa pagkakapatay sa buntis na Ombudsman prosecutor.

Sinabi ni Roque na bagama’t nasabi ng Pangulo ang hinggil sa state of national emergency ay umiiral pa naman ngayon ang martial law sa Mindanao.

Posible aniyang ang tinutukoy na radikal na pagbabago ng pangulo ay ang mas pinaigting nilang kampanya kontra kriminalidad.

Matatandaang nagbabala ang pangulo  sa pagpapatupad ng mga radikal na pagbabago sa darating na mga araw dahil sa mga krimen.

“I am warning you criminals, all of you. Those in the government, those outside. I will make the radical changes in the days to come,” giit pa ni Pa­ngulong Duterte sa ginanap na press conference nang dumating noong Martes ng gabi mula sa Seoul, South Korea.

Comments are closed.