STATE OF HEALTH EMERGENCY, IDINEKLARA SA LEYTE

LEYTE-DENGUE

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng mga tinamaan ng dengue sa lalawigang ito, nagdesisyon ang health authorities na ideklara ang state of health emergency sa Baybay City.

Ayon kay City Health Officer Nirberto Oja, layunin ng deklarasyon na matulungan ang mga nagkasakit na mapagamot makaraang makagat ng dengue carrier mosquito.

Habang bahagi rin ito ng adbokasiya na labanan ang nakamamatay na sakit.

Sa datos ng Baybay City Health Office, umabot na ang dengue case sa 173, tatlo ang namatay.

Sa buong Eastern Visayas, naitala ang 1,947 cases na mayroong 16 deaths.    EUNICE C.

Comments are closed.