STATE-OF-THE ART HOSPITAL ITATAYO

LAGUNA -SISIMULAN na ang konstruksiyon ng limang palapag na moderno at state-of-the art hospital na tutugon sa pangangailangan ng mga Lagunenos hinggil sa mabilis, tama at makabagong uri ng medical treatment.

Ito ang inihayag sa ginawang launching ng nasabing proyekto ni Dr. Jane C. Cleofe, ang kasalukuyang Presidente ng Prime Medical Center Group of Companies, ginanap sa CLA Convention Center sa Pagsanjn, Laguna.

Ayon kay Dr. Cleofe, ang nasabing itatayong hospital ay nagtataglay ng makabago at modernong mga machine at medical equipment na naaayon sa mabilis at agarang paggaling ng mga pasyente. idinagdag pa ni Cleofe na sa kabila ng pagiging moderno at naiibang paraan ng pagsusuri ng mga kilalang doktor ng hospital asahan umano ng mga Lagunenos ang mura at affordable na mga de- kalidad na gamot at serbisyo sa mga pasyente.

Dinaluhan ang nasabing launching nina Pagsanjan Mayor Cesar Areza, mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, mga opisyal ng DOH, Philippine National Police, Bureau of Fire Officials at mga opisyal ng itatayong Pagsanjan Prime Medical Center.

Ayon naman kay Mayor Areza, napapanahon ang pagtatayo ng isang state of the art na hospital dahil hindi na magagastusan pa ang mga pasyente ng lalawigan na magtungo pa sa Metro Manila para lamang na masuri sila ng mga magagaling na doktor at mabilis na pagtuklas sa kanilang mga sakit. ARMAN CAMBE