STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES APEKTADO (Budget cut sa educ sector hiniling ni Marcos na maibalik)

MAAAPEKTUHAN ng budget cuts sa sektor ng edukasyon ang  state universities and colleges sa buong bansa kaya hiniling ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na ibalik ang ang ibinawas na budget.

“Paano uunlad ang ating bansa kung hindi maayos ang ating edukasyon dahil ang mga ins­titusyong nangangasiwa nito ay hindi makapag-operate ng maayos dahil sa kakulangan sa budget?” tanong pa nito.

Binigyang diin ni Marcos na mahalaga ang edukasyon sa kaunlaran ng bansa at dapat gamitin ng Kongreso ang kapangyarihan nito  upang matiyak na ang mga hadlang sa budget ay hindi maka­gambala sa mga ahensiya  sa wastong pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.

“Therefore, budge­tary allocation for public schools and related facilities, and new alternative learning systems and platforms on account of the pandemic, academic and support personnel compensation, scholarship and related academic entitlements and continuing education for teachers should be spared from budgetary cuts,” dagdag ni Marcos.

Ipinaliwanag ni Marcos na ito lamang  ang tanging paraan upang ang edukasyon sa Pilipinas ay makasabay sa mga pamantayang pang-internasyonal at gawing mapagkumpitensya sa buong mundo ang mga Pilipinong nagsipagtapos. Nakatakdang talakayin ng Senado sa Huwebes ang budget ng  Department of Education at  attached agencies, kaya hiniling ni   Marcos sa mga senador na ibalik ang ibinawas na budget.

Nag-react  si Marcos sa mga ulat na ibinasura ng Department of Budget and Management ang budget ng DepEd at mga kalakip na ahensiya nito sa National Expenditure Program na isinu-mite sa Kongreso.

Ang hinihingi ng  Commission on Higher Education ay P62.3 billion para sa  2022, subalit ito ay binabaan sa   P52.6 billion sa rekomendasyon  ng DBM, o ang pagbawas ng  P9.6-billion.

Ibig sabihin ay zero allocation  para sa mahahalagang programa tulad  ng pagpapatupad  ng  Doctor Para sa Ba­yan Act, Universal Access to Quali­ty Tertiary Education, RA 11448 or Transnational Higher Education, Medical Scholarship and Return Service, Construction of the Proposed Higher Education Deve­lopment Center, at iba pa.

Apektado rin sa bud­get cuts ang pondo para sa pagsasaayos ng mga tanggapan ng rehiyon ng CHED, ang Transnational Education Program, at Universal Access to Qua­lity Tertiary Education, na nagbibigay ng libreng edukasyon sa tersiyaryo.

Partikular na maaa­pek­tuhan ang mga uni­ bersidad sa Mindanao dahil ang alokasyon sa lahat ng  state universities, maliban sa isang campus, ay inalis.

“Education is a very important weapon towards economic recove­ry in the face of the challenges posed by the Covid pandemic. Kaila­ngang siguraduhing may bala ang mga ahensiyang na­ngangasiwa nito para muli tayong makaba­ngon,” pagbibigay diin ni Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *