NAGSAGAWA ng orientation ang Climate Change Commission PH (CCC) at Department of Budget and Management (DBM) para sa state universities and colleges (SUCs) na may kaugnayan sa climate change expenditure tagging (CCET).
Kasabay nito, hinikayat ng CCC at DBM ang SUCs na taasan ang kanilang climate budget proposals para sa FY 2024.
Ayon sa dalawang ahensiya, mahalagang nakikita sa CCET ang mga ililinyang programa, proyekto at aktibidad ng SUCs bilang suporta sa isinusulong nitong mga hakbang at polisiya na may kinalaman sa paglaban sa pabago-bagong klima.
“We call on SUCs to increase and prioritize their budgets for climate research and development to produce the best available science and technologies locally,” wika ni CCC Commissioner Albert Dela Cruz Sr.
Halos limandaang kinatawan mula sa higit 100 SUCs ang dumalo sa CCC-DBM-led orientation ukol sa CCET.
Samantala, sinabi naman ni CCC Vice Chair at Executive Director Robert E.A. Borje na kumpiyansa silang mapapataas nila ang pondo para sa climate-related activities sa pamamagitan ng mga isinasagawa nilang orientation sessions.
“SUCs are among our key partners in addressing climate change. They provide us site-specific climate information that enable local government units to determine fit-for-purpose programs and activities to address climate change and its impacts,” ani Borje. DWIZ882