STATEMENT OF SEN. BONG GO RE: PhilHealth to abolish Single Period of Confinement Policy

Nagpapasalamat tayo sa Board of Directors ng PhilHealth sa kanilang desisyong ibasura na ang Single Period of Confinement Policy na naging sanhi ng mahigit isang dekadang paghihirap ng ating mga kababayang nagkasakit.

Ang taong may sakit, lalo na ang isang mahirap, ay dapat arugain ng PhilHealth ilang beses man siyang magkasakit—hindi isang beses lang sa loob ng itinakdang panahon!

Sa dami ng reklamo na inilapit sa akin tungkol sa polisiyang ito noon, umabot na tayo sa tatlong hearing sa Senado upang kalampagin ang PhilHealth na ibasura na ito. Sulit man ang ating pangungulit, pero hindi ko titigilan ang PhilHealth hanggang tuparin nila ang lahat ng kanilang pangako.

Our quest for much improved public healthcare and expanded health services does not end with the scrapping of the said policy. As the chairperson of the Senate Committee on Health, we shall continue to push for more reforms to provide every Filipino a healthier life.

These include, among others, the increased coverage of case rates, expanded benefits, reduced premium contribution, free basic medicines—so that every peso intended for health is used to protect the health and well-being of every Filipino. Given this, we will also continue to oppose the transfer to the national treasury of P89.9 billion PhilHealth excess funds because I believe that PhilHealth funds should only be used for health-related purposes.

Ang PhilHealth ay para sa Health!

Our crusade for a more responsive, more affordable, more accessible and more universal healthcare continues and shall continue until every single Filipino shall enjoy the blessings of the constitutionally guaranteed right to health.

Nagpapasalamat din ako sa mga ordinaryong mamamayan natin na tumugon sa ating panawagang gamitin ang mga hearings natin sa Senate Committee on Health bilang avenue upang ilabas ang kanilang mga hinaing laban sa anti-people, anti-poor na polisiyang ito ng PhilHealth.

Gaya ng ilang ulit ko nang sinabi, ang mga Senate hearings na ito ay upang mabigyan ng boses ang mga kapwa ko Pilipino at marinig ang kanilang mga saloobin para ang mga batas at polisiya na ating isinusulong ay angkop sa kanilang tunay na mga pangangailangan.