STAUNTON IPAPARADA NG CREAMLINE SA PVL REINFORCED CONFERENCE

PINAPIRMA na ng Creamline si American spiker Erica Staunton para maging import nito sa darating na 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Inanunsiyo ng Cool Smashers ang pagkuha sa six-foot-one nitong Huwebes.

Dadalhin ni Staunton, 24, ang mayamang karanasan sa koponan, kung saan ginugol niya ang unang apat na taon ng kanyang collegiate career sa Northeastern University bago kinumpleto ang kanyang master’s degree sa University of Georgia.

Noong nasa Northeastern, si Staunton ay gumawa ng malaking impact, kung saan naging miyembro siya ng prestihiyosong 1,000 Kill Club at dalawang beses na tumanggap ng All-CAA team honors.

Kasunod ng kanyang matagumpay na  collegiate career, si Staunton ay umakyay sa  professional volleyball, naglaro para sa  Finnish club Oriveden Ponnistus sa kanyang unang taon bilang isang pro.

Inaasahang palalakasin niya ang performance ng koponan na magtatangkang mahigitan ang third-place finish sa  2022 Reinforced Conference.