STAYCATION SA GCQ AREAS PUWEDE NA

Department of Tourism

PUWEDE  na ang “staycation” sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa kabila ng patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Department of Tourism (DOT), ito ay upang  mapalakas ang turismo sa bansa.

Inaprubahan noong Seytembre 10 ng Inter-Agency Task Force for the Management (IATF) on Emerging Infectious

Diseases ang rekomendasyon ng ahensiyang payagan na ang staycation, subalit  hindi pa sinabi kung kailan ito maaaring magsimula.

“The DOT will soon issue a Memorandum Circular (MC) on Staycations Under GCQ based on comments and suggestions of the IATF-EID,” pahayag ng DOT.

Ayon sa ahensya, “a ‘staycation’ shall involve a minimum overnight stay for leisure purposes in a DOT-accredited Accommodation Enterprise located in proximity with one’s residence.”

Ang isang residente ng Metro Manila ay maaaring mag-staycation sa loob ng Metro Manila basta’t susunod sa requirements ng local government units.

Comments are closed.