STEALTH OMICRON WALA PA SA PINAS-DOH

WALA  pang nade-detect na “stealth Omicron” sub-variant sa bansa.

Ito ang nilinaw ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay sa ba.2 sub-lineage na nadiskubre isang linggo matapos ma-detect ang omicron variant ng COVID-19.

Iginiit din niya na may kakayahan ang Philippine Genome Center na matukoy ang lahat ng posibleng variant na mayroon ang bawat sample sa ilalim ng genome sequencing process.

Sa ngayon, patuloy pang pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) at ng iba pang mga eksperto ang nasabing sub-variant kung saan batay sa kanilang initial findings, wala itong masyadong pinagkaiba sa kalubhaan ng sakit na dulot ng Omicron variant.