QUEZON – Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng isa sa pinakamalaking steel manufacturing company sa bansa na Steel Asia sa Brgy. Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Abril 29.
Dinaluhan ito nina Quezon Gov. David C. Suarez, House Minority Floor Leader Danilo E. Suarez, dating PCSO Director Betty Nantes bilang kinatawan ng kanyang anak na si Vice Gov. Samuel Nantes, at ng mga lokal na opisyal ng bayan ng Candelaria, sa pangunguna ni Mayor Macky Boonggaling.
Ang Steel Asia ay isa sa mga flagship steel company sa bansa na naghahatid ng higit sa dalawang milyong tonelada ng ‘rebar’ kada taon kung saan tumatayong chairman at CEO ng nasabing kompanya si Benjamin Yao, tubong Lucban, Quezon.
Aabot sa 32 ektarya ang lawak ng lupang pagtatayuan ng planta na inaasahang makapagbibigay ng mahigit sa 1,500 trabaho sa mga mamamayan ng Candelaria at mga karatig-bayan sa ikalawang distrito ng Quezon.
Kamakailan lamang ay idineklara ng National Economic Development Authority (NEDA) ang lalawigan ng Quezon bilang ‘fastest growing economy’ sa buong Calabarzon Region, na ayon kay Gov. Suarez, ay napapanahon lamang dahil sa sunod-sunod na pagkakaroon nito ng iba’t ibang investment and development tulad ng TR4 Extension sa mga processing plant, Industrial Parks at iba pa.
“The Province of Quezon, the Municipality of Candelaria and the Barangay of Malabanban Sur will be home to the most precise, most efficient and most environmentally friendly wire-rod manufacturing facility in the world. This is something we should be proud of,” pahayag ni Yao sa kanyang pagsasalita sa programa bago ganapin ang groundbreaking.
“It will create many business opportunities to support operation. It will create small and medium enterprises. We expect many of these new businesses will be formed by Candelaria’s entrepreneurs whom one day maybe global exporters”dagdag pa ni Yao.
Kapuwa nagpaabot ng suporta sina Gov. Suarez at Cong. Suarez para sa ikatatagumpay ng nasabing proyekto.
Siniguro rin nila ang pagpapanatili sa pangangalaga sa kalikasan base sa environmental protection laws na ipinatutupad ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR).
Anila, hatid nila ang kanilang 100 percent na suporta upang mapabilis pa ang implementasyon at pagsasakatuparan ng paglalagay ng Steel Asia sa lalawigan ng Quezon. BONG RIVERA
Comments are closed.