PANSAMANTALANG isasara ng Department of Transportation (DOTr) ang Commonwealth Avenue lane sa pagitan ng Regalado Avenue at Fairlane Street upang bigyang-daan ang pagkakabit ng steel structure para sa Regalado Station ng Metro Rail Transit (MRT) 7.
Ang naturang pagsasara ng kalsada sa kahabaan ng Commonwealth Avenue West Bound Lane ay magsisimula sa Hulyo 25 hanggang Nobyembre 26 mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.
Sisimulan ang pagsasara ng kalsada sa East Bound Lane mula Agosto 8 hanggang Disyembre 6 sa mga oras na alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.
Kaya’t pinapayuhan ang lahat ng motorista na kumuha ng mga alternatibong ruta kasabay ng paghingi ng kooperasyon at pang-unawa ng publiko ang DOTr sa abala.
Ayon pa sa DOTr, ang naturang pagsisikap ay magbibigay ng permanenteng kaginhawahan para sa mga commuter sa pamamagitan ng pinahusay na sistema ng pampublikong transportasyon.
PAULA ANTOLIN