STEM degree at ang papel nito sa hinaharap

PAGSAPIT  ng Senior High School, mamimili na ang mag-aaral ng kanilang major. Pwedeng TVL, HUMMS, o STEM. Maraming pumipili ng STEM dahil pangmatalino raw. Ito ang kailangan para makapasok sa Engineering at Medicine courses. Pero ano nga ba ang STEM degree at worth it bang makipagbakbakan ka sa mahihirap na subjects na sa STEM lamang ibinibigay?

Moving up na sa Grade 11 at gusto mong magsimula ng bagong career o i-boost yung dating meron ka na para pagpasok mo sa college, makakuha ka ng STEM degree. Sabi kasi ni nanay, mas magandang maging duktor o engineer. Pero teka lang, alamin muna natin kung ano ba ang bagay sa’yo. Baka naman hindi ka para sa STEM.

Ano exactly ang STEM degree?

Kahit anong degree na may kinalaman sa science, technology, engineering, and mathematics ay STEM degree.

Pwede itong bachelor’s degree hanggang doctorate at sakop nito ang mga subjects tulad ng biology, physics, computer science, at engineering.

May mga debate pa rin kung anong mga kurso ang talagang dapat sa STEM bracket, pero pinakakaraniwan na dito ay ang mga disiplina na nakapokus sa konsepsto ng siyensya, mathematical methods, at technological innovations.

STEM stands for Science, Technology, Engineering, and Mathematics. Dati, hindi natin ito alam, ngunit nang magsimula ang Senior High School, pati elementary, alam na ito. Acronym na ginagamit mula pa noong late 20th century sa ibang bansa, kjung saan ginugrupo ang mga academic disciplines dahil may pagkakatulad sila ng prinsimpyo at paraan sa paglutas sa problema, empirical evidence, at real-world applications.

Ang STEM fields ay mukha ng pagbabago, na nagtutulak upang magkaroon ng mas malawak pang pananaw sa teknolohiya, innovation, maging mas maayos ang healthcare, at resolbahin ang mga kumplikadong isyu hinggil sa kapaligiran. Malawak ang implikasyon ng STEM topics sa sosyedad, kung saan apektado ang immigration policy, national security, education, at workforce development.

Totoong mahalaga ang STEM degrees at patutunayan naming ito sa inyo.

Sa trabaho na lang, napakalaki ng demand sa STEM degree graduates, kaya napakalawak ng career opportunities.

Maraming sector ang palagi nang naghahanap ng STEM professionals, kiasama na ang tech, healthcare, at renewable energy. Nangangahulugan ito ng better job security at more career advancement opportunities.

Dahil ang papel sa STEM sectors ay palaging nangangailangan ng specific skills and expertise, na lubhang pinahahalagahan ng maraming organisasyon. On average, mas malaki ang swelodo ng mga STEM professionals kumpara sa mga non-STEM workers. Mas madalas din silang bigyan ng bonus..

Mula sa climate change hanggang sa healthcare innovation, STEM professionals ang nangunguna sa paglutas ng pinakamalalaking problema sa mundo. Kung isa kang STEM specialis, kasama ka sa humuhubog ng mundo para sa susunod na henerasyon.RLVN