Steve Jobs executive producer ng ‘Toy Story’

SI Steve Jobs ang pinakamala­king individual shareholder ng Disney na merong 7% at miyembro ng Disney’s Board of Directors. Kinikilala siyang Executive Producer ng Toy Story. Kahit ibinenta na niya ang Pixar productions, binibigyan pa rin siya ng credit sa “Special Thanks” sa credits ng Pixar’s films. Isa pa sa mga executive producer ng Toy Story si Edwin Catmull.

Si Jobs, na may 50.1% na pag-aari sa Pixar stock, ay na­ging pinakamalaking Walt Disney Company individual shareholder, na maituturing na 7% ng kumpanya, at natalaga pang Walt Disney Company Board of Directors, posisyong hinawakan niya hanggang sa siya ay mamatay.

Ang Pixar Animation Studios Executive Team ay rated “B” at pinamumunuan ngayon ni CEO Jim Morris.

Kasama ang Pixar Animation Studios sila sa Top 35% ng mga kumpanya sa America, kung saan mayroon silang halos 5,000 empleyado. Binili ng Disney ang Pixar sa halagang $7.4 billion noong 2006. – SHANIA KATRINA MARTIN