STIFLERPH FC KAMPEON SA UFC PRIMERA CUP

StiflerPH FC

NAGING matagumpay ang debut ng StiflerPH FC sa Urban Football Challenge debut makaraang makopo ang Primera Division Cup championship noong Sabado sa McKinley Hill Stadium.

Binubuo ng mga da­ting San Beda student-athletes, ang StiflerPH FC ay nanalasa sa huling dalawang araw na may pitong panalo at isang draw upang pagharian ang Saturdays-only tournament.

Inangkin ng StiflerPH FC ang tatlong individual awards mula kina MVP Mike Daniel Riconalla, Best Female Player Kristine Vinzon at Best Goal-keeper Kevin Riconalla.

“First tournament, first trophy. Without hardwork this would not be possible,” wika ni Vinzon.

Sumabak sa unang pagkakataon, sorpresang kinuha ng StiflerPH FC ang pangunguna sa Primera Division sa pagtatapos ng double-round robin na may pitong panalo, dalawang talo at isang draw para sa kabuuang 22 points.

Bukod sa StiflerPH FC, lumahok din ang  Twister United, Ilonggo United, Alegria FC at Red Card FC sa Primera Division Cup ng four-day tour-nament na inorganisa ng Urban Football Philippines.

Ang torneo ay tinampukan din ng anim na koponan sa Prime­ra Cup Plate section at pinagsamang 12 teams sa Segunda Cup at Plate divisions.

Comments are closed.