STL OPS SA IBA PANG LUGAR BUKAS NA

STL

BUKAS na rin ang Small Town Lottery (STL) gaming operations sa ilan pang lugar sa bansa, ayon sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa inilabas na advisory, sinabi ng PCSO na hanggang nitong Setyembre 23 ay may STL operations na ulit  sa mga lalawigan ng Abra, Nueva Vizcaya, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Surigao Del Sur, Davao Del Sur ngunit hindi kasama ang Davao City, at Olongapo City, Zambales.

Paglilinaw  ng PCSO, nananatili pa ring suspendido ang operasyon ng STL sa mga lugar na hindi kasama sa mga nabanggit.

Paalala pa ng PCSO, sakaling magdesisyon ang pamahalaan na ibalik ang  naturang mga lugar sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ), ay awtomatikong masususpindeng muli ang STL operations doon.

Kaugnay nito, mahigpit din ang paalala ni PCSO General Manager Royina M. Garma sa mga operator ng STL sa naturang mga lugar na tiyaking istriktong naipatutupad ang health at safety protocols na ipinaiiral  ng Inter Agency Task Force (IATF), maging ng local government units (LGUs) at ng PCSO upang matiyak na hindi magkakaroon ng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Muli ring nanawagan si Garma sa publiko na ipagpatuloy ang pagsuporta at pagtangkilik sa lahat ng gaming products ng PCSO, kabilang ang STL, Lotto at Digit games, Keno at Instant Sweepstakes Scratch-it tickets upang makalikom sila ng pondo para sa kanilang charity programs.

Paliwanag ni Garma, sa bawat P20 na itataya ng mga mamamayan sa kanilang gaming products ay magkakaroon sila ng tiyansang maging milyonaryo at makatutulong pa sa mga indigent na Pinoy sa buong bansa  sa pamamagitan ng charity programs ng PCSO gaya ng Medical Access Program (MAP), Patient Transport Vehicle (PTV) Donation Program, Medicine Donation Program, Medical and Dental Mission Program, Calamity Assistance Program, Institutional Partnership Program (IPP) at Integrated Health for Overall Productivity and Empowerment (I-HOPE). ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.