MAGANDANG balita dahil sa susunod na buwan ay itatalaga na rin bilang ‘archdiocesan shrine’ ang Sto. Niño Parish sa Tondo, Manila na ang kapistahang idinaraos tuwing ikatlong Linggo ng Enero, ay dinarayo rin ng mga deboto.
Mismong si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang nag-anunsiyo ng magandang balita sa mga deboto, sa pinangunahan niyang banal na misa sa Tondo church noong Enero 12, kung kailan rin niya nilagdaan ang Decree of Erection para rito.
Sa naturang inaprubahang dekreto ng Cardinal, nabatid na ang elevation ng parokya sa pagiging dambana ay nagmula sa petisyon na pinangunahan ng parish priest ng Sto. Niño na si Fr. Estelito Villegas.
“After having considered the petition of the Parish Priest, Rev. Fr. Estelito E. Villegas and the parish community of Sto. Niño Parish, Tondo, Manila, after having consulted the Presbyteral Council and convinced of the merits of the said petition,” anang dekreto. “By these presents, we hereby Decree that Sto. Niño Parish, 600 L. Chacon Street, Tondo, Manila, be conferred the title of the Archdiocesan Shrine of Sto. Niño.”
“By this Decree of Erection, We likewise grant to the said Archdiocesan Shrine of Sto. Niño all the rights and privilege as embodied in the Statutes which we also approve at the same time. It shall furthermore be governed by the provisions of cc. 1230-1234 of the Code of Canon Law,” anito pa.
Iginiit naman ni Tagle sa kanyang homiliya sa naturang banal na misa, na ang titulo ng pagiging isang ‘dambana’ ay may kaakibat ng pakikiisa sa pagkakakilanlan ni Hesus at sa misyong palaganapin ang Mabuting Balita.
“If that is your identity, that’s also your mission. Along with your identity is becoming a missionary for evangelization,” ani Tagle.
Ang pormal na pagtatalaga sa parokya bilang isang archdiocesan Shrine ay isasagawa sa Pebrero 5, 2019, sa isang banal na misa na pangungunahan mismo ng Cardinal. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.