MAKATI CITY –INAASAHANG babawi ngayong linggo ang local stock market kasunod ng paglaylay nito noong Biyernes.
Ang paghina ay naitala makaraan ang pagtatag ng kalakalan noong Miyerkoles hanggang Huwebes.
Sa datos ng Philippine Stock Exchange index (PSEi), numipis ng 37.56 points o 0.48% na dikit sa 7,766.47 ang kalakalan, habang ang all-share index ay bumaba rin ng 3.76 points o 0.08% upang maitala ang 4,728.82.
Sinabi ni Gabrile Jose F. Peres, sales associate ng Papa Securities Corporation, naging mahina ang kita ngayong linggo sa stocks na halos bumaba ng 85 points.
“Profit-taking was the name of the game as the index remained weak the entire day, falling by as much as 85 points to its intraday low. It was however bought up at the close to end only 37 points down at 7,766.47,” ayon kay Perez.
Para naman kay PNB Securities Inc. President Manuel Antonio G. Lisbona, pinipilit ng mga sangkot sa kalakalan na itama sa pamamagitan ng technical correction.
Inaasahan din na gagalaw ng 7,500-7,850 ang stocks at kikilos ang market players para sa mas magandang kalakalan.
Ipinagpalagay naman na apektado ang local market ng mga movement sa US Trade laban sa China at Turkey.
Habang tinaya rin na magiging transitional o magalaw ang kalakalan dahil konektado ito sa pandaigdigang merkado.
“A possible catalyst to the upside will be a sustained return of foreign funds into the market. However, I think this scenario is unlikely as other markets offer more value at this time,” ayon pa kay Lisbona. EUNICE C.
Comments are closed.