STOCK NG NFA RICE SA NEGROS TATAGAL PA HANGGANG AGOSTO

NFA RICE3

SINIGURO ng opisina ng National Food Authority (NFA) sa probinsiya ng Negros Oriental ng kanilang buffer stock ng 150,000 sako ng bigas ay tatagal hanggang Agosto pero isiniwalat ang plano na kumuha ng bigas sa kanilang lugar.

Sa total na alokasyon, nakatanggap ang NFA-Negros Oriental ng 42,500 sako at ang natitirang 107,500 ay ididiliber sa darating na buwan hanggang Agosto, ayon kay NFA-Negros Oriental manager, Hilaria Ganzon.

Ang natitirang sako ng bigas ay itatago muna sa warehouse sa Cebu at magiging available para sa shipment sa Negros Oriental anumang oras, sabi niya.

Dahil sa Rice Tariffication Law na pinirmahana ni President Rodrigo Duterte, wala nang awtoridad ang NFA na makapag-import ng bigas kaya ito ay magiging taga-stock na lamang ng bigas para sa anumang pagkukulang at agarang pangangailangan, sabi ni Ganzon.

Base sa kasalukuyang imbentaryo, mamamahagi ang NFA ng government rice hanggang Agosto lamang, “so we just hope that we can procure from local farmers because the provision of this law states that we can only procure our buffer stock from local farmers,” ani Ganzon.

“We no longer have the authority to import and if ever there is insufficient local rice production, perhaps there will be some kind of intervention from the national government,” dagdag niya.

Ang Negros Oriental ay hindi surplus rice production area, at may mga lugar na apektado ng peste at panahon ng El Niño, sabi pa niya.

Sinabi ni Ganzon na kailangan ng probinsya ng kahit 92,000 sako ng bigas man lamang ng buffer stock kada buwan.

Nagpahayag siya ng pag-aalinla­ngan na baka hindi nila maabot ang buwanang target, dahil makikipag-kumpetensiya sila sa commercial rice traders na nag-aalok ng mataas ng pres­yo sa local rice producers.            PNA

Comments are closed.