GENERAL SANTOS CITY – Nakapag-deliver ng dagdag na 160,000 na sako ng imported ang National Food Authority (NFA) para madugtungan ang naka-standby na stocks sa apat na probinsiya sa Region 12 o ang Soccsksargen at ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sinabi ni Dionisio Hectin Jr., NFA provincial manager ng siyudad at ng Sarangani, na ang dagdag na stocks ay para mapanatili ang presensiya ng rice sa iba’t ibang pamilihan sa lugar.
Sinabi niya na ang na-deliver na stock ng bigas, na umaabot sa total na 8,000 metriko tonelada, ay nakalaan para sa mga probinsiya ng South Cotabato, Sultan Kudarat, North Cotabato at Maguindanao.
Makakukuha ang South Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat ng 30,000 sako bawat isa habang ang North Cotabato ay makatatanggap ng 40,000 sako, sabi niya.
Sinabi ni Hectin na ang natitirang 30,000 ay itatago muna ng siyudad pero naka-standby para sa Soccsksargen at ARMM.
“The unloading of the stocks are ongoing. Once completed, these will be delivered to the concerned NFA provincial offices,” pahayag niya sa isang panayam.
Sinabi ng opisyal na ang cargo vessel na nagdala ng stocks ng bigas ay dumating sa Makar Port noong Disyembre 30 pero ang pag-dock at pagdiskarga na naantala dahil sa kakulangan ng permit mula sa Bureau of Customs.
Sinabi niya na nangangailangan ang Philippine Ports Authority ng pag-isyu ng tamang permit bago mabigyan ang barko ng pagpaparadahan sa pier.
Sinabi pa ni Hectin na inaasahan nila ang delivery ng dagdag na stock ng bigas para sa siyudad at sa Sarangani Province sa susunod na rice shipment.
Siniguro niya na ang lugar ay may sapat na stock ng bigas hanggang sa susunod na shipment, na inaayos ng NFA central office.
Sinabi ng opisyal na ang kanilang kasalukuyang imbentaryo ay umaabot sa 53,000 sako, na puwedeng tumagal ng dalawang buwan base sa pangangailangan ng lugar.
Dagdag pa ni Hectin na kasalukuyan nilang pinanatili ang presensiya ng NFA rice sa merkadong lokal na may participation rate ng 7 porsiyento. PNA
Comments are closed.